woot! haggard desu~
i had a veerry long day XD sayang di natuloy yung A3 nung saturday T_T
tinamad
narin ako lumabas ng bahay pero di rin nakatanggi sa mamam kina jepot
XD, matagal tagal narin ako di nakasama sa inuman dun, 10pm ako
pinapapunta pero mag 11pm na ata nasa bahay pa ko lol
share ko lang yung sa taxi nung papunta kina jeff
ako: Manong sa 2nd Ave po sa may Crame
( habang bumabyahe )
Manong: san ba yung sikinab sa Crame?
Ako: di ko po alam un eh
Manong: pero pupunta ka?
Ako: opo
Manong: pupunta ka , pero di mo alam?
(medyo naasar ako sa pagkakasabi ni manong)
Ako: eh di po ako taga dun eh
huli na nang marealize ko na ung "sikinab" pala ay "2nd ave" XD
anyway ayun lasingan kina jeff, si Jay himala di uminom wala ata sa mood, nagkulong sa kwarto nya nag ippo marathon lol.
medyo
mabilis ako nalasing lalo na nung maubos na ung liempo ahaha erpats ni
jeff nagluto ng tuyo para may pulutan kami lol XD naka dalawang case ng
grande na pulang kabayo kami XD at nag gm daw ako sa Oz mali
spelling….. pero sadya yun! lol si cathy pala may bangs na lol kim
sam soon daw sya lol. inabot kami ng umaga mga 5 or 6am ata nag bfast
kami dun sa tapsilogan sa malapit.. at yun ang huling naalala ko
hahaha.. nagising ako 11am ata sa kwarto ni tito boy ayun sakit ng ulo,
medyo nahilo ko pagbangon ko kaya higa ulit, ayun txt txt n lng XD si
jepot na nagyayaya mag divi ng umaga eh ayun tulog pa. ang kulit ng
ulan biglang lalakas, tapos biglang mawawala mayamaya lalakas nanaman
XD 1:30 daw kami punta divi kaya mga 1pm naligo na ko, di parin
natanggal amats ko XD pareho pala namin di alam pumunta divi kaya taxi
na lng umasa ahaha. bibili daw kasi sya damit nya, silk screen etc sama
na lang ako. si jay ippo marathon ata ulit sa kwarto nya nung umalis
kami. adik!
as usual sobrang trapik papuntang tutuban binaba
na kami ng taxi dun sa isettan, walking distance n lng daw sabi ni
jepot kaya yun lakad na lng kami… ang layo pa pala! wahahaha! pero
sabi ko ok lang maglakad pang tanggal amats kaya tinuloy n namin kahit
umaambon. yun lang ang masarap kapag may bagyo, mahangin at malamig di
ka papawisan.
goodluck samin, wala kasi si nilo wala kami tour
guide lol, na-empty narin battery ng phone ko, sayang divi-girl pala si
roen di ko na tuloy ako nakapagreply XD
Tutuban .. ayun libot libot kahit maliit lang naliligaw kami ahaha nagsimula na ang "Ryoga syndrome"
ko, aminado naman akong walang sense of direction minsan lol! partida
maraming beses na ata ako napunta d2, kaso kasama si nilo walking
distance lng kasi sa bahay nila to.. wala pa kami nabili d2 pero may
nagustuhan kaming jacket balikan n lng daw namin.
168
.. 3rd or 4th time ko palang ata d2 pero as usual di ko kabisado
pasikot sikot ahaha.. maraming beses din kami na-ryoga d2 ahaha,
actually papunta pa lang naligaw na kami mali yung pinuntahan namin..
opposite direction, kung di pa ako nagtanong lol. si jeff kasi
nagmamarunong lol di rin naman pala alam XD d2 kami may unang nabili,
ung "justine timberlake cap" binili ni jepot tanga tanga di tumawad 100
bili agad. ako baseballcap natawaran ko ung sakin >:} may nahanap
din kaming dog collar, matagal na din ako naghahanap ng dog collar pero
wala na akong aso…. para yun sakin! wahahaha! medyo naluma na kasi
yung bigay ni nilo 2 years ago ung pulang collar na ginawa kong
bracelet Lol. buo pa naman yun kaso dugyutin na. anyway plain lang na
red sana ung bibilhin ko kaso wala, may kaartehan ung collar eh may
parang panyo na nakadikit.. ayun binili ni jeff ung pula inunahan ako,
para daw kay Light (doggy nila ni lexy) kaya black na lang sakin lol
ayoko pareho kami ng aso! ahaha. ( pero nung sa taxi pauwi kami
nagpalit din kami kaya red yung napunta sakin) sabi ko nga kung di
kasya kay Light sakin na lang >:}
eto may picture ako:
Dog Collar
Neil’s Armband
lol wala lang nakita ko ung pinya sa lamesa kaya sinama ko na pang ultra-random ahahaha!
gusto ko sana tanggalin ung parang panyo kaso nakatahi sya sa collar, masisira XD
oo na pang Aso yan, walang pakialaman ng trip >:}
Divisoria mall…
err medyo naligaw din kami papunta d2, medyo napalayo ung inikutan
namin ahahah. pakiramdam pa namin kapag lalabas kami ng mall biglang
uulan or aambon XD d2 ata kami pinaka nagtagal, buti nakahanap na kami
ng magandang boardshorts at mura pa. bumili ako ng checkered, kay jepot
stripes. bumili din kami ng pants at nalaman namin sa tindera na mas
mahal pala sa 168. natanong kasi namin kung may mga ganun din sa 168
sabi ng tindera meron kasi may pwesto din sila dun, mas mahal nga lang
daw, kung sa divi 230php namin natawaran sa 168 daw 320php benta nila,
mas mahal daw kasi pwesto dun 70k php samantalang sa divi 20k lang daw
same floor area hahaha. ayun may natutunan kami lol
mga 5 or
6pm na ata nung bumalik kami tutuban (na medyo naligaw ulit lol)
masakit na kasi mga paa namin at medyo ginutom na, binili namin ung
jacket sa tutuban na nahirapan kami hanapin lol tapos bumili pa ng apat
na tshirt si jepot sayang nga eh kakabili ko lang ng tshirt nung friday
sa megamall, nanghinayang tuloy ako sa pera XD naikwento ko din ung
binili kong dalawang t-shirt sa mega na parehong pareho ng design
magkaiba lng ng kulay, adik daw ako.. pero sya bumili ng 2 shirt din na
parehong pareho ng kulay at design magkaiba lng ng konti ung print
hahaha! mas adik! >:}
ayun matapos mag ubos ng pera eh
hinanap na namin ung kainan sa tutuban… ayun nahirapan nanaman kami
ahahaha! may tokyo tokyo daw dun pero di namin makita lol. after 10
years nakita din namin…. yung chowking lol. syempre Daing na Bangus
order ko at delisyoso talaga ang belly! naka dalawang kanin ako >:}
at syempre kapag si jeff nagchowking di nawawala ang kangkong + bagoong
na ako din umubos >:}
pahinga ng konti tapos punta sa national bookstore dun na lang kami bumili ng silk screen nya (ang layo pa ng dinayo XD).
pagkatapos
hinanap na namin palabas sabay sakay ng taxi ayun deadz kami pareho lol
at sa wakas nilibre din ako sa taxi ni bespren >:}
mga
nabili ko: cap, jack skellington boxers, rubiks cube, transforming
dogcollar^^, brown checkered boardshorts, jacket with hood, at black
checkered pants.
murang mura almost 1K lang lahat ahaha! o db
ganyan ako ka-cheap >:} ang ganda nung boardshorts gusto ko pa
bumili (pati dog collar) >:}
Pahabol Sulat: eto nga pala si Ryoga *click*
sya yung dating gusto ko icosplay nung payat pa ko lol. sya kasi yung
laging naliligaw dun sa Ranma 1/2, kaya Ryoga syndrome lol